Pumunta sa nilalaman

Poso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang bomba (paglilinaw).
Isang posong kinakamay o binobomba ng kamay, mula sa isang sistema ng patubig na pambukid sa Pakistan.

Ang poso o bomba[1] ay isang uri ng makinang nagpapagalaw ng isang likido, malalabnaw o maninipis na mga halo tubig at lupa (ang eskayola o putik, o may kahalo ring semento)[1] o gas mula sa isang lugar papunta sa ibang pook, karaniwang nang paitaas. Inililipat ng isang bomba ang isang bolyum sa pamamagitan ng galaw na pisikal o mekanikal. Isang maling akala ukol sa mga poso ang pag-iisip na nakalilikha sila ng presyon. Bilang nag-iisang kasangkapan, hindi nakagagawa ng presyon ang mga poso; nakapaglilipag lamang sila ng pluwido, na nagdurulot ng daloy o tulo. Ang pagdaragdag ng resistensiya sa pagdaloy ang nakapagsasanhi ng presyon. Nangangailangan ang mga poso ng ilang uri ng lakas upang umandar ang mga ito. Kung minsan, nanggagaling ang puwersa mula sa isang tao, ngunit minsan ding nagbubuhat sa isang motor.

Mga uri

Maraming mga uri ng mga poso. Bumabagsak sa limang pangunahing mga pangkat ang mga poso, na kasama ang katumbas na pangalan sa Ingles: poso na tuwirang pang-angat (direct lift pump), posong pambago ng kinalalagyan (displacement pump), poso ng tulin, bilis, o belosidad (velocity pump), at ang poso ng grabidad (gravity pump).[2] Nilalarawan ng kanilang mga pangalan ang paraan ng pagpapagalaw o paglilipat ng pluwido.

Mayroon ding tinatawag na payak na mga uri ng poso: ang posong may piston (piston pump), ang posong sentripugal o pambombang sentripugal (centrifugal pump), at ang posong may enggranahe.[3]

Posong de-piston

Gumagana ang posong may piston o pambombang may piston sa pamamagitan ng pabalik-balik na galaw ng isang mahigpit na nakalapat na pistong nasa loob ng isang silindro. Kapag pumupunta sa isang daan ang piston, humihitit ito ng likido patungo sa loob ng silindro sa pamamagitan ng isang bukas na bahaging kilala bilang pasukang puwerto o bibig na pasukan. Sa pagbirang pabalik, pinupuwersa nito ang likidong lumabas sa isa pang bukas na bahaging tinatawag na puwertong pangdiskarga o bibig na palabasan. Kinukontrol ng mga balbula ang daloy ng likido patungo at palabas ng silindro. Ginagamit ang mga posong de-piston kapag kailangan ang mataas na presyon, katulad ng sa pagpapaangat ng tubig mula sa malalalim na mga balon, o kaya sa pagpapadala ng tubig sa matataas na mga gusaling may mga apartamento.[3]

Posong sentripugal

Mayroon namang gulong na may talim ang posong sentripugal, na tinatawag na impeller o mga impeller vane sa Ingles, o girimpula, beleta, pulad, banoglawin, sipat, palikpik, patubiling, o katabyento. Nakakabit ng mahigpit ang may talim na gulong sa loob ng kaha ng poso. Umiikot ito ng napakatulin na lumilikha ng lakas na sentripugal na nagbabalibag ng tubig palabas sa tubong pangdiskarga. May kakayahan ang puwersang sentripugal na tumulak ng mga bagay palabas mula sa gitna, sa bahagi kung saan sila umiikot.[1][3]

Posong de-enggranahe

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Pump; slurry; impeller; vane - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Mga klasipikasyon ng poso
  3. 3.0 3.1 3.2 "Pumps". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 528-530.

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.